Phdream22:Crypto Drop Review – Makakuha ng 10,000 Robux sa Crypto Drop? LEGIT o FAKE?

Nakita ko itong Crypto Drop nung nakaraang araw sa Play Store, nagaalok ito ng in-game currency na nagkakahalaga ng ilang daang dolyar… nang LIBRE?!Maari kang makakuha ng in-game currency reward tulad ng Robux sa kanilang apps. Maraming nang mga apps na katulad ng Crypto Drop, tina-target nila ang mga nakaba-batang audience na wala pang kakayahang bumili ng mga in-game currencies.

Kapag naabot mo ang tiyak na bilang ng gems o diamonds, ito ay pwede mong ipalit ang mga ito para makakuha ng rewards na m

agagamit mo sa mga laro tulad ng Roblox atbp.

Totoo nga ba na ang Crypto Drop ay makakapag-transfer ng Robux o iba pang game currency sa Player ID ng kanilang mga user? Legit ba to? o Fake?

Gagamitin nating halimbawa ang Robux na in-game currency mula sa larong Roblox.

Alamin natin.

Ano nga ba ang Crypto Drop?

Isa itong puzzle game kung saan pagsasamahing mo ang magkakatulad na simbolo upang makakuha ng bago at mas mataas na lebel ng simbolo upang makakakuha ng diamonds, maari mo itong ipalit bilang Robux.

Maari ka rin manuod ng mga videos para makakuha ng diamonds. Ang mga videos na ito ay mga advert na may konsepto na ikaw ay kikita ng limpak-limpak na salapi.

Ngunit sa Crypto Drop imbis na totoong pera, ang mga diamonds na iyong makokolekta ay may katumbas na in-game currency sa mga laro na tulad ng Roblox.

Ang pinakamababang halaga ng reward na pwede mong ipalit sa Robux ay 10,000. Ito ay nagkakahalagang 100$ o humigit kumulang nasa 5,000 PHP!

Paano gumagana ang Crypto Drop?

Libre mo lang itong mada-download sa Google Play Store, hindi mo na rin kailangan magrehistro para magamit ang applpication na ito.

More:  Play Golden Empire on Phdream22 - JILI Online Casino Game Rules

Bago ka magsimula, kailangan mom una kumpirmahin na ikaw ay labing tatlong (13) gulang pataas at pumayag sa kanilang ‘Terms of Use’.

Sunod, ikaw ay papipiliin sa mga sumusunod na laro: Coin Master, Free Fire, Clash of Clans, PUBG Mobile, roblox, Mobile legends, candy crush, pokemon GO at Brawls stars.

Pagkatapos ay hihingin nito ang iyong account, username, o Player ID. Pagkatapos mong pindutin ang “Confirm” lalabas ang diamonds na kailangan mong kolektahin para maipalit sa katumbas nitong game currency.

Para makakuha ako ng 10,000 Robux, kailangan kong kumita ng 100,000 dollar sa Crypo Drop.

Ang pangunahing paraan upang makapagipon ng gems sa Crazy Drop, ay ang paglalaro ng merging game, kung saan pagsasamahin mo ang mga simbolo na magkakapareho. Sa pinagsamang mga simbolo ito ay magiging bago at mas malaking simbolo.

Pagiipon ng diamonds

Sa iyong progreso sa Crypto Drop, bibigyan ka nila ng diamonds at coins na pwede mong palaguin sa pamamagitan ng panunuod ng mga videos.

Ang coins ay maari mong ipalit para maging diamonds. Ito ang katumbas ng coin sa diamond: 12,000,000 coins = 100,000 diamonds

Ang kanilang online gaming section ay puno ng mga nakakalitong banners at butons. Ang mga ito ay hindi tiyak at siguraduhing magingat.

Ngunit hindi mo na kailangang maglaro para makakuha ng rewards. Sa halip, ikaw ay hihikayatin na pindutin ang progress bar kada 10 segundo kapag ito ay kumpleto na at bibigyan ka nila ng mga advertisements.

Meron ka ding makikitang diamond offer kahit na walang kang ginagawa sa application.

Legit ba ang Crypto Drop? Totoo ba na may rewards?

Hindi totoo! Ang Crypto Drop ay hindi nagbibigay ng kahit na anong in-game currency sa iyong account kahit gaano pa katagal mong ginagamit ang app na ito.

Karamihan sa mga players ay tanggap na pinangangalandakan sa kanila ang iba’t ibang klase ng mga adverts, sa kondisyon na sila ay makakakuha ng in-game currency sa oras na maabot nila ang target.

More:  Phdream22 Casino Most Winning Jili Slot Game

Sa kasamaang palad, ang Crypto Drop ay hindi naman nangako na bibigyan nila ang kanilang mga users ng mga rewards kapag naabot nila ang kanilang target. Kaya ang Diamonds na nakolekta nila mula sa application na ito ay walang halaga sa totoong buhay.

Kapag pupunta ka sa review section sa Play Store para sa app na ito, makikita mo na sobrang dami ng negatibong komento.

Ang nangyayari dito, kapag malapit mon ang maabot ang 10,000 diamonds o ang iyong target, babawasan nila ang makukuha mong gems sa panunuod ng mga videos. Ginagawa nila ito, para mas matagal na maglaro ang mga player.Aabutin ka ng siyam-siyam upang maabot mo ang iyong target para lang malaman na kailangan mo pang manuod ng dagdag pang 30 na mga videos!

Konklusyon

Ang Crypto Drop ay naghahatid ng pagkadismaya sa kanilang mga users dahil sa pang-aakit nila na pwede kang manalo ng in-game currency na wala naming katotohanan. Ang mga rewards na kanilang ibinibida ay hindi totoo.

Nakakalungkot lang na isipin na maraming tao ang nahuhumaling dito at nagaaksaya ng kanilang oras.

Mas mabigat sa loob na isipin na ang Crypto Drop ay isa lamang sa libo-libong apps na gumagamit ng ganitong konsepto ng pangaakit gamit ang hindi makatotohanang rewards para tumaas ang kanilang kita.

Kapag sa tingin mong masyado itong maganda ang inaalok na rewards para maging totoo, marahil ay tama ang iyong hinala.

Maging mapanuri at aralin nang mabuti.Interesado ka ba sa mga laro na pwede kang manalo ng totoong pera? Nasubukan mo na ba ang mga larong ito?:Color Game

Fishing Arcade

Slot Games

BacarratSports Betting

Mag register lang sa Phdream22 kung gusto mong manalo ng pera na pwede mong makuha sa GCash! \

QUICK LINKS: Peso63 Slot | Otsobet Live Casino | Mnl63 Fishing | Million88 Sports | Lol646 Sabong | Lodibet Arcade Games | Lodi777 Bingo

More:  N1 Partners Group launched a new promo campaign